Mga salita ni алексей петренко
Naalala ko nung mga panahong ako ay bata pa, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kaligayahan nang makita niya akong nagsasalita sa harap ng maraming tao.
Naalala ko rin nung mga panahong may “no permit, no exam” policy sa paaralan, nakita kong nagpunta siya sa faculty room para magbenta ng sabon, bakas sa mukha niya ang tapang at determinasyon na makapag-aral ako.
Kita ko sa kanyang mga mata ang mga salitang “Nakita mo na rin sa wakas, anak.” At iyon ang natatanging kayamanang hindi matatawaran ng kahit ano mang silaw ng ginto’t pilak na kayang ialay ng mundo sa akin.
Sa mundong mapaglaro’t mapang-api, ikaw ang naging kasangga ko.
Sa mundong maramot, binigay mo sa akin ang pusong mapagbigay.
At higit sa lahat, sa mundong hindi mapagmahal, minahal mo ako ng walang hinihinging kapalit.
Kaya nandito ako ngayon, sa abot ng aking kakayahan, ay ikukuwento sa mundo ang isang katulad mong hindi nagdalawang isip na ialay ang kanyang sarili sa mundo, mapabuti lamang ang kapakanan ko.
Inaalay ko to para sa isang ina na nagdusa upang malagyan ng pagkain sa aking plato, damit sa aking mga balat, kaalaman sa aking isip, at walang pag-aalanganang sakripisyo sa aking puso.
Grace Ann Baronda
‘Ang Pagdadalamhati ng Ina’
15″x20″ Oil on Canvas